Problem/Goal: Valid ba yung feelings ko or OA lang ako ?
Context; I (F 27) have a partner (M 24), yes mas matanda ako ng 3 years sa kanya. I am a type of a girl na gustong gumala just to relieve the stress from my work and to reward myself nadin, hindi yong night life ha, yung tipong rides lang, or simpleng kain lang sa labas or punta sa mga chill na place kasama partner ko, no need na maging sosyal yung place or what, kahit simple lang and kasama ko sha okay na sa akin. While my partner is a kind of non-chalant person plus subrang mahiyain, kung hindi mo kakausapin hindi yan iimik, non-chalant talaga ma pa social media or personal man, kahit nga may mga hindi pagkakaunawaan kami minsan di yan nag sasalita, iniisip ko nalang na baka ayaw nya lang may masabing masasakit.
We are both working in two different industries, office work ako and operations naman sa kanya which required most of his energy, like physical work talaga.
We are a living together for almost a year now, and those past few months nasasali na sa usapan namin yung mamanhikan and kasal. Like siya mismo yung nag bring up sa usapan namin. Like example, nanganak yung baboy nila sa province, kweninto nya sa akin na may 12 na piglets daw and he mentioned na hihingi sha sa kapatid nya ng dalawang piglet (bunso kasi sha) kasi mamanhikan daw sha, so sabi ko "huyy sure, dami naman if dalawa" tas naka smile ako, kasi medyu kinilig hahah pero tawa lang yung sagot nya.
other example, napag usapan namin yung kasal, bigla nya sabi na, patayu muna tayu ng bahay before kasal para may na pundar na tayu, so sabi ko okay cge mag ipon muna tayu.
I do appreciate and love him, he is so maalaga, very provider yung mindset and actions nya, walang other girl sa picture kasi pag meron malalaman ko yun and ma fefeel ko yun and i know love nya ko, pero minsan feeling ako na para bang nagdadalawang isip sya or baka ako lang to ?
One time kasi umuwi kami sa amin, nag uusap kami ng parents ko kasi yung bunso kong kapatid (F 25), ikakasal sa 2027, kaso na buntis kaya mapapaaga ang kasal, so while nag uusap kami, natanong ng mama ko ang partner ko ng "kayu kaylan nyu naman balak magpakasal" hindi sumagot parnter ko, naka smile lang, sa isip ko baka nabigla sa tanong, pero sa part ko is parang awkward kasi as a partner ehh, yung nasasali na sa usapan ninyung dalawa pero pag tinanong ka nag ibang tao wala kang masagot. Kaya para ma bawasan yung awkward na nafe-feel ko, ako sumagot na "gawa daw muna kami bahay bago e kasal, and nag iipon pa kami"
Tapos isang araw, magkatawag sila ng kuya niya, and napag usapan yung mga piglets sabi nya "sabi ni (pangalan ko) bili daw ako ng baboy, kasi mamanhikan na daw ako" tas tumawa sila, ako naman na nakikinig is parang na inis. parang ang dating kasi is ako yung dispirada,, kaya sinuway ko sha, sabi nya joke lang naman yun,, tapos di ko sha pinansin that time kasi ikaw yung nag open up non pero iba yung sinabi mo sa ibang tao, lol
Hindi naman sa pinipresure ko sya, alam ko naman status ng buhay namin ngayon, pero ano namang mawawala dba kung sasagot sya if may mag tanong, kahit hindi specific basta nabigyan man lng ng justice yung sa part ko, kahit simple "nagiipon pa kami" or kahit simpling "puhon" lang,goods na ako, di yung hindi iimik, tas parang ako pa yung dispirada.
Yan yung iniisip ko lately eh, kung sure ba sha or nagdadalawang isip, esama na natin yung mga times na nagtatampo ako sa kanya kasi naglalambing ako sa kanya na gala naman tayu, chill naman tayu or kain tayu sa ganito, pero sagut nya palagi is "pag meron na tayong pera" "pag meron na extra"
kahit may pera naman, at hindi naman mamahalin yung gusto ko, at yung maka pag chill lang naman kahit saglit kasi na buburn out ako sa routine namin araw2 na, bahay-trabaho-bahay, ano namang masama if mag chill kahit minsan sa ibang lugar yung may makikita akong bago sa mata ko di yung bahay and office lang, gets nyu point ko ? huhuhu alam ko naman na part talaga ng adulting yung kailangan natin kumayud para sa mga future plans pero wala pang pause kahit saglit?
Previous Attempts;
Now, nag open up ako sa kanya about it kasi na fufustrate ako kakaisip, pero wala akong makuhang sagot, baka ayaw nya lng may masabing masama or baka nag cocontemplate pa sha, huhuhu di ko alam, wala kaming mga matitinding away kasi okay naman talaga kami, ito lang kasing na fefeel ko ehh, ito yung dala2 ko, ako lang ba to ? mali ba ako ? mali ba yung iniisip ko or na feel ko ? ako ba yung mali?? hooooo sikip ng dib2 ko kakaisip.