Problem/goal: A VERY LONG DETAILED STORY
Naging kami when we were still 17 yrs old (during SHS). After graduation (almost 2 years na rin kami non), he already said that his family struggling financially daw dahil na bankrupt business nila. So ending, he stopped going to college.
Naging fast-food service crew siya, buti naman masipag siya at hindi panay reklamo. Akala ko magiging okay lang lahat pero totoo pala talaga yung kasabihan na pag may pera kana, dadami rin problemahin mo. He provided for his family like rice, ulam, bills etc. (basic needs). At first, okay pa kaso napansin ng bf ko na parang isang kilong bigas kukulangin sa isang araw. Imagine, 4 na sila sa bahay nila (may kuya siya na wala pang trabaho non) tas nag papatira pa ng another 2 nanay niya. Na gets ko rin bf ko na hindi kaya sweldo ng isang crew sa 6 ka-tao. (naka aircon pa yan ha)
Dun na nag start lahat. Nung nag sweldo na, konti lang natanggap ng bf ko that time dahil temporary na tinanggal ang night-shift sa branch nila. So it means, 5-6hrs nalang shift niya. Hindi siya nakapagbigay sa fam niya (which is sa mama niya lagi binibigay) dahil nga kailangan nya rin ibudget sarili niya like 15-days rin na pamasahe to work. Sobrang galit nanay niya, and she blamed me! Dahil nag “ddate” daw kami sa labas. Eh ako pa nga nag bayad non eh! I promised, I never expected that to her. Legal kami both ways and she was never like that to me during SHS pa kami. Si bf ko naman, never yan sumasagot kahit pinagsasabihan siya ng masama.
Kahit alam kong may sinasabi nanay niya sakin, pinapautang ko parin siya kasi daw needed. She borrowed 5k, and then babayaran niya lang daw pag nakapag abroad siya (di lang yan utang niya). Nag update siya sa bf ko after a month na she earned 20k+ daw. After a month umalis daw siya sa work niya kasi nakakapagod but ilang months lang, biglang nag chat siya na wag gagastos dahil uuwi na daw siya so yun, nakauwi agad siya dito sa pinas na walang pera. Sa ilang months na yun di rin nag demand bf ko or kuya niya ng pera na ipapadala dahil gusto nila makapag ipon nanay nila. Kahit sinabi niya pa na wag nalang sila mag trabaho at mag-aral nalang.
Now we’re almost 3 years into our relationship. I’ve been thinking for how many months if I’ll end this nalang. Palaging short yung sweldo niya at palagi rin ako nag hahanap ng solution just to keep up. BUT IM SO TIRED NA GANTO PALAGI (di pa kasali yung utang dyan). Kada sweldo, may plan na kami kung san pupunta yung pera pero di parin nasusunod kaya kulang palagi. Last week, nanghingi 1k mama niya tapos humingi nanaman in just 2 days. Nag open na ako sa kanya, na dapat paglaban niya rin sarili niya na hindi ganun kalaki sweldo niya (dahil nga kasi naawa ako). Hindi niya nga dapat obligasyon mag provide eh pero he would still do it because he is a good person. I would do anything for him para lang hindi kulangin sweldo niya (ako pa nag bibigay pamasahe). To the point na pinapakialaman ko na sariling tuition ko (hindi lang yan). Sinabi ko sa kanya na pag ganto always, ako na mismo aalis sa relationship namin but he said I’m his biggest “motivation” to work hard. Hearing that, It makes me crumble in tears. I know he’s not the one to blame and he is a good partner to me. Knowing that we are still in our 20’s rn, we should be in college together. Not worrying about bills, food, other responsibilities that weren’t his to begin with.
Im just so tired that’s all. Tired of being considerate, always trying to find solutions to his problems, always putting his needs before mine, and carrying burdens that were never mine. I hope this reaches all parents out there. Having a child is not an investment. Your children are not your financial security or even a retirement plan.