Hi. Panganay ako sa magkakapatid. Isang taon lang ang agwat namin ng sumunod sa akin, at anim na taon naman ang pagitan namin ng bunso.
Ever since bata pa lang ako, alam ko nang hindi ako ang paborito ng mga magulang ko. Mas ramdam kong mas pabor sila sa dalawa kong kapatid. Tinanggap ko na rin naman kasi okay lang naman and hindi naman nagkaroon ng lamangan in terms of mga bagay na kailangan o bagay na gusto
Noong bata ako, aminado akong hindi ako naging mabuting ate. Hindi rin ako kagaya ng mga ate na gustong-gusto ng mga kapatid ko. Dumating pa sa point na lagi kong kinokompetensya yung sumunod kong kapatid. Dahil ako ang ate, iniisip ko noon na dapat ako ang nasusunod at kapag di sila sumunod Sakin ipinapaalala ko palagi na mas Matanda ako at at ang ate kaya dapat naiintindihan nila iyon at susunod lang sila Sakin. Pero napansin ko na dahil sa ganoong ugali ko, lagi akong napapagalitan at kinaayawan ng mga kapatid ko at maging ng ibang tao sa paligid ko. Maldita at bossy kasi talaga ako noon.
Habang lumalaki ako, narealize kong mali ang ganoong ugali. Kaya unti-unti kong binago ang sarili ko. Nag-search pa nga ako sa internet kung paano ba maging mabuting panganay at ate. Simula noon, kapag nagkakamali ako, todo sorry talaga ako sa mga kapatid ko. Kapag may hindi kami pagkakaunawaan, sinisikap kong ipaliwanag nang maayos ang side ko. Madalas din akong magkusang gumawa ng mga gawaing bahay para hindi na sila magabala pa dahil madalas onting pagkakupad lang o di maayos ang gawa ay mapagalitan na kami.
Pero habang tumatagal, pakiramdam ko ako naman ang tine-take for granted. Dumating sa point na minumura na ako ng mga kapatid ko. Humingi ako ng tulong sa mga magulang ko, pero ang sabi nila, kasalanan ko rin daw iyon dahil hindi raw ako marunong maging ate at sobrang bossy ko noon. Tinanggap ko iyon kasi alam kong naging ganoon nga ako dati.
Fast forward hanggang ngayon, ganoon pa rin ang treatment nila sa akin. Mas naging mahaba na ang pasensya ko at madalas hinahayaan ko na lang sila. Pero siyempre, tao lang din ako. May mga pagkakataong napupuno ako at napapamura ko sila sa sobrang inis. Alam kong kapag pinalo ko sila, ako rin ang lalabas na mali at ako rin ang mapapagalitan.
Napapansin ko rin na parang ako na lang lagi ang mali sa mata ng mga magulang ko. Kapag nagreklamo ang mga kapatid ko tungkol sa akin, ako ang mali. Kapag ako naman ang nagreklamo tungkol sa kanila, ako pa rin ang mali. Ang lagi nilang sinasabi, "Ganyan talaga kapag panganay." Ang unfair, pero hinayaan ko na lang.
Dumating din sa point na tinanong ko ang sarili ko: kung isang taon lang naman ang agwat namin ng kapatid ko, bakit hindi niya kayang gawin ang mga gawaing bahay at mga utos na ipinapagawa sa akin? Sinubukan ko siyang turuan, pero nagkaroon na ng mataas na standards ang mga magulang ko pagdating sa paglilinis at pag-aayos. Kaya kahit turuan ko siya, ako pa rin ang inuutusan. Kapag nagtatanong ako kung bakit hindi na lang siya ang gumawa, ako pa ang napapagalitan. Ang dahilan nila, hindi naman daw siya ang inutusan at hindi naman daw niya kayang gawin ang ginagawa ko. Pero bakit ako palagi? Paano nalang kung busy ako? Edi wala ng kikilos?
Napapansin ko rin na kahit pinapagalitan ko lang ang mga kapatid ko kapag may mali sila, ako pa rin ang napapagalitan ng mga magulang ko. Bakit ganoon? Bakit parang ako na lang lagi ang mali sa paningin nila? Bakit kapag sinusubukan kong maging mabuting panganay, parang inaabuso lang ang kabaitan ko? At kapag napuno na ako at nagsalita, ako pa rin ang masama?
Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ayaw nilang turuan ang mga kapatid ko na matuto sa mga responsibilidad nila, lalo na hindi na rin pabata ang mga kapatid ko.
Mas masakit pa, parang okay lang sa mga magulang ko kapag binabastos ako ng mga kapatid ko. Okay lang kapag tamad sila. Okay lang kapag hindi sila tumutulong sa bahay. Pero kapag ako ang gumawa ng kahit kaunting mali, napakasasakit ng mga salitang naririnig ko. Sobrang higpit din nila sa akin, to the point na nasasakal na ako.
Hindi naman ako madalas na nagrereklamo sa mga ganyang bagay pero dahil padami na rin ang responsibilidad ko hindi ko maiiwasan humingi ng tulong sa mga kapatid ko Pero kapag humihingi ako ng tulong nagagalit sila.. na para bang isa akong perwisyo o napalaking pabigat sa buhay nila. At kapag nakikita ng magulang ko yon napapagalitan ako dahil pinapasa ko na naman daw mga gawain ko sa mga kapatid ko o kesyo dapat iniintindi ko sila.
Ang pinakamasakit para sa akin, bakit hindi nila sinusubukang intindihin ang side ko? Bakit sa tuwing ipinapaliwanag ko ang nararamdaman ko o ang dahilan ko, sasabihin lang nilang nagdadahilan ako o gumagawa lang ako ng kuwento, kahit totoo naman ang sinasabi ko? Pakiramdam ko tuloy napaka salbahe Kong anak na hindi marunong Maka intindi at laging naghahanap ng palusot so magulang kahit gusto ko lang naman maintindihan nila ako
Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Hindi ko hinihiling na ako ang paborito nila. Ang gusto ko lang naman ay maramdaman na naiintindihan din nila ako, na hindi ako ang laging mali, at na bilang anak nila, may halaga rin ang nararamdaman ko. Minsan tuloy naiisip ko na lang magrebelde, hindi dahil gusto kong maging masamang anak, kundi dahil pakiramdam ko wala nang ibang paraan para mapansin at marinig nila ako.
Nakatira ako sa Isang strict na bahay na laging bawal mag explore ng mga bagay bagay at pessimistic ang parents ko kaya feel ko sakal na sakal talaga ako.
Idk kung Tama pa ba tong pagiisip ko or hindi ko lang talaga naiintindihan bat ginagawa to ng magulang ko. Please help me po normal pa po ba tong mararamdaman ko of sayang makitid lang ang utak ko?