Hello, I am 18M panganay, accepted sa top state university, at may DOST Scholarship din. Gusto ko nang maglayas dito sa bahay namin, dahil sobrang nasasakal na ako sa kanila.
Nagstart ito nung nagkaroon ako ng first GF ko last 2024 nung nag grade 11 ako (kami pa rin hanggang ngayon). Ever since na pinakilala ko GF ko sa kanila, lagi nilang sinisisi yung partner ko sa mga actions ko na kesyo "bad influence" daw sya. Natuto kasi akong magstand up for myself dahil sa partner ko, dati kasi kahit mali na sinasabi sakin ng magulang ko, tahimik lang ako at tinatanggap ko lang. Simula non halos palagi nilang pinag-iinitan yung partner ko at relationship namin.
Nung 18th birthday ko last December nagkaron kami ng away ng nanay ko, di nila sinabi sakin na lalabas pala kami kaya ang akala ko wala silang plano sakin. Ilang beses ko sila tinanong kung aalis ba dahil nga birthday ko, gabi na kasi non tapos ang sagot lang sakin "pag-isipan pa namin". Pumunta ako nun sa partner ko para magcelebrate na lang kaming dalawa, tapos pag-uwi ko ginuilt trip nila ako hahahaha. Sabi sakin ginawa ko raw silang second option, mas pinili ko pa raw gf ko, tas kung ano ano pang sinabi na pang giguilt trip at pagsisi sakin. Dahil don, napuno ako at blinock ko yunh nanay ko. Di ko siya pinansin for 1 month pero ramdam kong galit sya sakin at sa partner ko (dinamay pa talaga partner ko). Isa rin sa kinagalit ko ay kinabukasan kasi ng birthday ko ay may entrance exam ako sa Manila, ang ginawa nila? nag-inom hanggang madaling araw hahaha. Kahit na iniisip kong di na lang ako mag-exam, tinuloy ko pa rin dahil sayang naman dahil State U rin yun. Nangutang ako sa mga kaibigan ko papunta doon para lang makapag-exam ako, galing pa akong Rizal papuntang Manila. Safe naman akong nakapunta at nakauwi. Tapos dumaan yung araw na may pasok, di nila ako binibigyan ng baon (nanay ko lang kasi may work, papa ko wala). Hinahatid lang ako ng papa ko tas walang binibigay na pera, sa totoo lang sobrang hirap nun dahil 7AM - 5PM pasok ko. Gutom at naglalakad lang ako pauwi. Buti na lang at andyan partner ko kaya sobrang thankful ako, binibigyan niya ako ng pera na extra sa allowance nya para raw may pangkain ako kahit papaano. Tapos minessage ng nanay ko yung partner ko, sinisi siya dahil nawalan daw ako ng respeto sa kanila na kesyo "bad influence daw sya" at mayabang daw yung partner ko kasi binibigyan ako ng pera, like what? sinagot naman sya ng partner ko dahil sa galit na rin at paninisi sa kanya. sa totoo lang naawa ako sa partner ko nun dahil wala naman siya ginagawang mali at lubhang nakaapekto sa kanya yun mentally at syempre sakin din dahil kasagsagan ng research namin yun. dahil doon mas nagalit ako sa kanila, di ako nakisama nung pasko at new year.
Around late December at January, thankfully nagkaroon ako ng work nun online, freelance lang as video editor. dahil don nagkaroon ako ng baon for the whole month of January at bumawi rin ako sa partner ko. Then by late January, nabalitaan ko sa former adviser ko na ipapatawag daw kami ng partner ko sa guidance dahil gusto ng nanay ko na makausap kami. Sa takot ko na magkarecord kami pareho dahil Valedictorian standing ako at honor student naman partner ko, nakipag-ayos ako, kinain ko pride ko lahat lahat na. Nagsorry naman sakin at sinabi na may magbabago. Nanghingi rin ako ng apology para sa partner ko, pero tagal nyang binigay yun. di pa sya gagawa ng message kung di ko pinaalala sa kanya.
Fast forward June 18, recently lang nangyari, nagtanong sya ano raw update sa "apology letter" kuno nya para sa partner ko na puro guilt tripping naman. Tapos dami niya nanamang side comment na kesyo kailangan pa ba raw nyang lumuhod para mapatawad, parang pinipilit nya yung partner ko na patawarin siya. Tapos sinabihan niya ako na ginawa ko na raw mundo yung partner ko, tapos sobrang concerned daw ako sa partner ko (natural siya lang kakampi ko). Tapos namention nya yung valedictorian speech ko na buti raw yung partner ko nabanggit ko, sila raw hindi. Proud ako sa speech ko na yun at proud din akong di ko sila binanggit dahil sobrang bigat sakin nung time na nag-aaral ako nang walang kain, walang tulog, at iniisip kung paano ako kinabukasan dahil sa kagaguhan nila. Ayaw pa siya patawarin ng partner ko dahil sobrang hirap talaga nung time na yun, at sinabi ko sa nanay ko na di siya entitled para ipilit na patawarin siya at di nya dapat madaliin yung partner ko, sinabi ko rin na proud ako sa speech ko. Tapos sabi ng nanay ko ikinadurog nya raw yun dahil di ko sila binanggit don, technically binanggit ko naman kaso inaddress ko para sa lahat ng parents na nandoon. Gusto ata special mention pa. Tapos sabi pa sakin "sana hindi nyo maranasan tong nararamdaman ko kapag naging magulang na kayo", ang sagot ko naman, "hindi namin mararanasan yan dahil hindi namin ipaparamdam sa anak namin yung pinaramdam nyo at di kami tutulad sa inyo". Then ayun, nagchat na rin GF ko dahil nagalit na rin sya. Sinagot nya yung nanay ko. In the end, pinag-initan nanaman nya partner ko. Di raw namin alam kung anong kaya niyang gawin, kakausapin nya raw parents ng partner ko, parang nagbabanta ba. Tas feeling bad bitch pa sya. tinry ko rin sila (kasama tatay ko) kausapin ng personal after mag-usap sa chat non, wala rin tangina, di rin nila maintindihan at di rin nila ako mapakinggan. Pinapili ako kung sila ba o ung partner ko, natural kakampi ako sa partner ko. Sinabihan din ako na "di ka naman ganyan dati" at kung gusto ko raw sa partner ko lumayas na raw ako sa bahay at magsama raw kamk.
sa totoo lang mas lalo ako nawalan ng respeto sa mga magulang ko, isipin nyo na kung ano gusto nyong isipin sakin, habang buhay kong ipagtatanggol at kakampihan yung partner ko. at siguro ngayon, di ko na sila maramdaman bilang mga magulang ko.
kung lalayas man ako ngayon, may mapupuntahan naman ako na malapit lang sa papasukan kong university na hindi nila alam at aasa ako sa stipends ko galing DOST para sa gastusin. ang ikinakabahala ko lang ay baka delay yung stipend namin dahil lagi raw delay yun
sa tingin nyo, mali ba ako? tama lang ba na umalis ako? at kung may suggestions kayo at payo, malugod kong tatanggapin. maraming salamat