r/PanganaySupportGroup Nov 27 '25

Positivity Gentle reminder lang po

Post image
27 Upvotes

file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg


r/PanganaySupportGroup Nov 24 '25

Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.

73 Upvotes

Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.

Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”

Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?

This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.

And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.

From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.

Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.

Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.

Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.


r/PanganaySupportGroup 9h ago

Advice needed Does it get better?

16 Upvotes

I feel like never ending cycle lang buhay ko. Walang savings, living paycheck to paycheck tapos need pa i support financialy yung pamilya. I gave up my hobbies or going out kasi hindi afford. I feel stuck sa situation ko, minsan nagseselos ako sa ibang kilala ko na financially stable. Yung kaya nila pumunta kahit saan or bilhin anong gusto nila. Tsaka walang malaking responsibility sa buhay. I hate comparing my life kasi alam ko iba iba yung situation ng mga tao, pero tangina ang unfair ng buhay. I feel like giving up diko na alam if this life will get better.


r/PanganaySupportGroup 8h ago

Positivity First time ko umiyak dahil sa message ng Mama ko sa akin…

Post image
4 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 19h ago

Advice needed Ang hirap maging mahirap dahil kahit ang pagmamahal ay nagiging mahal.

29 Upvotes

Ni-let go ko ang lalakeng mahal ko dahil nabibigatan na ako. Ang sakit, ang hirap.

I’m a __ year-old female and working student, 3rd year college na. My ex was the same age as same year level din. I grew up in a househould na kailangang kumayod dahil maaga akong namulat na ang pera ay kailangang paghirapan at hindi basta-bastang nahihingi lang. I was forced to be a working-student dahil hirap na din ang parents ko na itaguyod kami. Panganay din ako sa aming magkakapatid. Since bata pa’ko, maaga akong namulat sa hirap ng buhay. Hindi ako nanghihingi ng kahit ano sa parents ko kahit nung bata pa ako. Nakatanim na sa utak ko na, “ Masyadong mahal, ibibili nalang namin ng kanin to.” in the age of 7 years old. Nakaranas din akong kumain ng panis na lugaw dahil sa gutom, umiiyak ang nanay ko habang pinapakain kami nun.

Fast forward, now that I‘m older and may capacity na na tulungan ang mga magulang ko i started working in fast food chain habang nag-aaral. At, nagka-boyfriend ako. He was my highschool sweetheart:) Masasabi kong mahal na mahal ko ang lalakeng ‘yun. Nung una, we were striving. Going on simple dates and living together sa apartment ko. Until, paunti-unti, ako na ang nagbabayad ng lahat. Pero okay lang, inintindi ko lahat kasi wala naman siyang work e. Tapos, nag-aaral pa din siya. Naiintindihan ko naman.

Unti-unti akong napagod. Na-feel ko na unti-unti akong inuubos ng set-up namin na ako ang nagbabayad ng lahat and iniintindi ko lang siya. Mahirap kaming dalawa, pero bakit parang nahihirapan ako? Bakit parang ang bigat? Ilang araw kaming hindi nag-usap dahil sobrang lamig ko. Naging malamig ako dahil sa pagod sa trabaho at pag-aaral ko. Dumagdag pa na finals namin nung time na ‘yun. Nagkita kami sa seaside and I confronted him about it, na nahihirapan na ako.

Natahimik siya, matagal siyang hindi naka-imik. Nangingilid na ang luha ko habang nakatingin sa dagat. Sabi niya, “ Nandito ako para sa’yo, palagi. Hinding-hindi kita pababayaan. Pero wala pa talaga ngayon eh.”

Wala na kami ngayon. Pero, nag-away kami before kami completely nag-break. Sabi niya sa’ken, kung mahal niya talaga ako i’d stay daw kahit anong mangyari. Sabi niya, I made him feel worthless kasi bakit parang dali lang para sa’kin na iwan siya.

Mahal na mahal ko siya, pero hindi ko alam. Hindi ko kaya mabuhay sa ganoon na set-up.. Takot ako. Hindi ko alam kung saan ako takot, pero takot ako.


r/PanganaySupportGroup 11h ago

Venting Every year, I'm with the strongest soldier

3 Upvotes

I want to be healthy before I sleep. I can kind of feel the pain or heaviness in my chest. I don't know. My dad just passed away, and I haven't been able to grieve properly. I don't know either. Now my mom suddenly got weak. Like, she lost so much weight. I feel that it's really painful to lose a spouse, so maybe that's why. I'm just worried about her. She might suddenly follow him, but I hope not. So, I'm getting anxious. Anyway, they are my grandparents. But they treat me like their child because I'm the one supporting them. Actually, the whole family. The breadwinner of the extended family.

I live paycheck to paycheck. I can't save for myself because I need to support them. My mom, my aunt, they're all separated from their spouses unfortunately hahahahahaha. So the single mothers in the family are the ones holding it together. I get their low salary, so I don't force them to give anything. But lately, I'm feeling it! I'm not mad. I just feel like I have no direction. I can't blame them, myself, or anyone because I love them.

All I am asking is a fucking opportunity. I'm not asking for money or anything. Just an opportunity, Lord. To enhance everything so that I can be more successful and support all of them. Honestly, I feel pity for my family, for my mom, my aunt, my uncle, my brother, and my cousins. I wanna help them succeed too. So, Lord, please just let me be your instrument so I can help them before I die.

PS. Is it lacking or confusing? I'm not good at storytelling, but what I know is that it's hard to be poor.


r/PanganaySupportGroup 21h ago

Support needed Nagtitiis kami dahil takot kami sa adik

4 Upvotes

Hihingi po sana kami ng suggestions or recommendations about sa problema namin.

Few months ago, ung kapit bahay namin nag lagay sila ng mga scraps ng kahoy, pinto, at saka mga yero sa daanan ng mga tao sa eskinita namin. Ang pagkaka akala namin ay ilang araw lang at tatanggalin din yang mga kalat na yan.

After months, napansin namin na nandyan pa din ung mga scraps. At dumadagdag ang mga nakaharang sa daanan kagaya ng motor nila, mga mags ng motor na para bang junk shop na. Ang liit na po ng daanan ng mga tao dahil maliit na eskinita lang po Ito, kalahati pa Ang naharangan dahil sa mga kalat na yan.

Netong nakaraang weekend lang, nakiusap kami na sana ay ayusin dahil may nasiraan na ng sapatos Ang mga yero at may nabalian na ng kuko. Nagsabe naman ung lalaki sa bahay na aayusin daw.

Pero Ang nangyayare, araw araw mas sumisikip pa Ang daanan na para bang nang aasar etong kapit bahay namin. At nung lunes, pumunta sya sa compound namin at tinatawag ung asawa ng pinsan ko, may kasama ung kapit bahay namin na dalawang lalaki na mukhang mga banggag at itinuturo ng kapit bahay namin ung mismong bahay namin na para bang nag susumbong.

Basic knowledge ng mga Tao dito sa lugar namin na adik Ang kapit bahay namin, at nakulong na sya dati dahil sa pag aadik Nya.

Natatakot kami na kapag nag reklamo kami sa barangay dahil dito sa scraps Nya na delikado ay pagdidiskitahan kami, worse ay kung anong gawin Nya. Puro babae po Kami sa bahay at natatakot kami dahil suspicious talaga ung pag mamatyag nila sa bahay.

Ano po kaya ang the best na gawin sa Gantong sitwasyon? Naka experience na din po ba kayo ng ganito? Salamat in advance!


r/PanganaySupportGroup 21h ago

Venting Every year nalang kasama sa strongest soldier 💀

0 Upvotes

Pa rant lang saglit bago ako matulog. Medyo nararamdaman ko kasi yung sakit or bigat sa dibdib. Ewan ko ba. Kamamatay lang ng dadi ko, and hindi pa ako nakakapag luksa ng maayos. Hindi ko rin alam. Ngayon naman, ang mami bigla nalang din naghina. As in ang laki ng pinayat. Ramdam ko naman, eh masakit mawalan ng asawa kaya siguro ganon. Nag aalala lang ako sakanya. Baka kasi biglang sumunod pero wag naman sana. So ayun inaanxiety na ako. Anyway, lolo’t lola ko sila. Pero para narin nila akong anak dahil ako ang sumusuporta sakanila. Actually sa buong pamilya. Bread winner ng extended family.

Nabubuhay paycheck to paycheck. Hindi makapag ipon para sa sarili kasi i need to support them. Sila mama, sila tita, lahat kasi sila hiwalay sa asawa unfortunately hahahahahaha. Kaya ang mga single mother sa family ang nagtataguyod. Gets ko maliit sahod nila, kaya hindi ko naman sila inoobligang mag bigay. But lately i kenaaaaat! Im not mad. I just feel like wala na akong patutunguhan. I cant blame them, myself or not anyone kasi mahal ko sila.

All i am asking is a fucking opportunity. Im not asking for money, or anything. Opportunity lang lord. To enhance everything para mas lalo akong sumakses at masuportahan ko silang lahat. Honestly, awa ang nararamdaman ko sa family ko, kina mama, tita, tito, sa kuya ko, sa mga pinsan ko. I wanna help them succeed too. Kaya lord please lang let me be your instrument so i can help them bago man lang ako mamatay.

PS. Kulang kulang ba or nakakalito? Di ako magaling mag kwento basta ang alam ko ang hirap maging mahirap.


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed Bumili ng gamit

3 Upvotes

Sa mga dads here regardless kung anong work. Pag may pinag ipunan ka piyesa ng auto, motor, pc etc. Pag naipon mo na ugng amount na gusto mo binibili mo na ba agad or ng dadalwang isip ka parin na para ba na guilty ka?


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed Do you show investments sa fam nyo

Thumbnail
2 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed Do you show investments to your family?

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 1d ago

Venting it’s one thing not to give allowance to your parents and just keep it for your own because they are already secured, but quite another to actually still be given allowance by your parents despite you working already. 🖖

Post image
3 Upvotes

sanaol nalang talaga sa mga may ganitong buhat at magulang. bihira ka makakita ng ganto sa average pinoy family/household. laganap talaga satin ang breadwinner culture at ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak kahit di naman handa at wala namang perang nakalaan para sa ganyan. kahit na observable ngayon na maraming mga taong open na hindi nila gustong magkaanak, di natin maitatago na maraming cases parin ng teenage pregnancy at pababa nang pababa pa ang edad. for the next gen, utak pagganahin bago libog.


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Venting Gusto ko na umalis

3 Upvotes

Fresh Grad ako and unemployed ngayon kasi nag resign ako. Ngayon, nasa bahay lang ako and nag aasikaso sa family ko. Nag aaway kami kasi ayoko sa kalat. Yung bahay kasi namin parang warehouse/stockroom na magulo. Gusto ko lang talaga ng maayos at malinis na bahay yun lang. Kaninang umaga, sinabihan ko na yung babae kong kapatid na linisin nya yung vanity namin lalo na yung mga buhok nya na nalagas sa sahig. Sabi nya gagawin nya raw pero hindi, umalis sya na di manlang nagwawalis at ang gulo pa ng vanity. Chinat ko sya. Sabi ko bwiset sya kasi di na naman sya naglinis. Tapos yung kapatid kong bunso, sinabihan ko na bumili ng uulamin. Sya kasi talaga ang taga bili namin tapos ako taga luto. Ayaw nya bumili kasi wala raw syang damit. Sabi ko hiramin nya na pang yung baggy shirt ko. Ayaw nya pa rin. Edi sabi ko sige wag na. Wag na lang sya kako kumain bago pumasok. Tapos bago sya umalis, sinabihan ko sya na tiklupin and isalansan nya nang maayos yung nilatag nyang banig sa sala at isarado ang gate kasi makakalabas ang mga pusa ko. Ni isa walang ginawa. Naka kalat yung banig at unan sa sala and nakalabas din yung isang pusa ko. Sa sobrang badtrip ko, tinapon ko sa labas lahat ng mga gamit nilang nakakalat. Nagchat din ako sa gc namin na kunin nila sa labas mga gamit nila.

Sobrang daming beses ng nangyari to. Alam nilang lahat na ayaw ko ng kalat kasi naiinis at nasakit ang ulo ko. Alam ko naman na may mga pasok sila and ako wala naman akong ganap. E kaso dati pa kasi silang ganyan. Yung mga ginagamit ko naman sa bahay inaayos ko kahit gano ako ka busy. Hindi ko alam kung bakit di nila magawa.

Sobrang sama rin talaga ng loob ko kasi yung mga baon nila, galing yan sakin. Galing sa naipon kong graduation money. Nakakagalit lang sobra na ang gagaling nila manghingi ng pera pambaon o pang luho pero yung simpleng request ko na maging malinis sa bahay, na hindi lang naman ako yung mag be benefit, e di pa nila magawa.

Tinawagan ko na si mama regarding dito siguro last week pa. Na once makapag trabaho ako ulit and makapag ipon, bubukod na lang ako ulit. Since sanay din naman akong nakabukod dahil 15 pa lang mag isa na ako. Sabi ko win-win situation naman. Ayaw nilang sumakit tenga nila kakapaalala ko sakanilang maglinis and ako ayaw ko na rin mapagod kakapaalala sa mga kapatid kong matatanda na.

Wala sumabog na talaga ako ngayon. Di ko talaga kayang kasama sila sa iisang bahay. Feeling ko pa ako lang lagi mag isa. Na wala akong kakampi. Sila mama at papa laging pinagtatanggol mga kapatid ko. Palaging sinasabi na "ikaw naman ang nakakatanda, intindihin at turuan mo na lang mga kapatid mo". E sa nakakapagod na? Para ako laging nakikipag usap sa pader.

Hahaha sorry magulo ata tong post ko kasi wala gusto ko lang talaga mag vent. Ayaw ko na rin iedit pa. Kaya ngayon, LF work muna HAHAHAHAHA


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Venting I was told I am not doing enough.

34 Upvotes

I am a fresh grad who started working early this year. Before ako mag-start ng work, nabanggit ko sa parents ko na pangarap ko magpakabit ng dashcam sa car namin, saka magpa-install ng sarili naming water tank.

However, nung nag-start na ako mag-work, sinabi ng Tatay ko na gusto nya mag-out of the country next year for his 50th birthday. Since I'm earning enough naman, I gave in and nag-book ako ng tickets for our family of 5. So sasagutin ko lahat for the whole family, from airfare, airbnb, tours, etc. kaya malaking gastos din talaga.

Financially, sa sarili ko, kaya naman. I had a huge signing bonus + okay naman 'yung monthly ko so nakakaipon ako monthly for it and nababayaran ko rin electric bill namin na nasa P8,000 monthly sa bahay, on top of my own expenses kasi nagdodorm din ako sa NCR. Yun nga lang, tipid na tipid talaga ako sa sarili ko at tanging pabango sa Zara lang ang nabili ko for myself ever since I started working. Sila kasi ang palaging nauuna pag may pinapabili sakin.

Kaya lang, nagpintig tenga ko kagabi nung sinabi sakin ng Nanay ko na masama raw loob sakin ng Tatay ko dahil hindi ko na raw tinupad yung tangke ng tubig saka dashcam. Nakakainis lang kasi sobrang damot ko pagdating sa sarili ko para mapagbigyan lahat ng gusto nila, pero ganito pa pala tingin nila sakin, na di pa rin enough lahat ng ginagawa ko for them.

Nakakasama ng loob. Sobra. Pero after this trip next year, hindi na talaga. Uunahin ko naman sarili ko this 2027. Ibibigay ko sa kanila ang 2026, pero hindi na sa susunod.

Nakakaubos.


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Support needed Grabe na yung galit na nararamdaman ko sa nanay ko

3 Upvotes

(medyo long post ahead?) pa-rant lang dito guys kasi wala talaga akong makausap HAHAHAHAHAHAH not a panganay pero only child po.

for context: graduating student ako this August from a state uni and enrolled na to get my 2nd degree (father ko nagbayad ng tuition). so sa college program ko merong qualifying exam every year para malaman kung sinong magp-proceed sa susunod na taon and I failed this last exam para sana sa 5th year namin.

Syempre madaming drama at iyakan na naganap dahil sa pagbagsak ko HAHAHAHAHAH pero my dad (as always) comforted me saying na okay lang at ganon talaga ang buhay. Pero yung mom ko??? HAHAHAHAHAHA grabe yung mga sinabi na kahit tatay ko nainis na rin sakanya kasi nag-iisang anak nalang daw ako tapos siya pa mismo nagdo-down sakin. Actually, sanay na talaga ako sa mom ko kasi kahit nung bata pa ako ganyan na talaga siya. Yun bang always setting high expectations kaya natuto na rin akong kumeep up kahit papano (if I really think about it buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi i-please siya at mga gusto niya lol).

Fast forward to today, aalis kasi sila papuntang province kasi may patay kaming kamag-anak and tinanong ng lola ko kung sasama raw ba ako and sabi ko hindi. Mostly, kasi ayoko talagang makihalubilo sa mga kamag-anak namin na hindi ko naman talaga ka-close (typical Filipino fam reunion). Tapos ang sabi ng mom ko? "Hindi yan sasama kasi mamaya tanungin yan don anong isasagot niya?" Na para bang may ambag yung mga tao don sa buhay ko/namin? HAHAHAHAHAHAH then I kept asking kung ano namang itatanong nila kahit alam ko naman yung sagot pero hindi siya nagre-respond. As a daddy's girl syempre sinabi ko sa dad ko HAHAHAHAHAH at yun nga nagalit agad kasi ayaw na ayaw niya sa mga ganong klase ng tao lol.

Habang iniisip ko naman yung sinabi ng mom ko walang ibang pumapasok sa isip ko kundi "malamang kinakahiya ako nito" HAHAHAHAHAHAHA dito ko na-realize na grabe yung hidden resentment ko sa mom ko. Nung narinig ko yung sinabi niya parang na-invalidate lahat ng pinagdaanan ko para lang makatapos ng college? Na para bang hindi dugo, pawis, tsaka luha yung pinuhunan ko para makatapos? HWHSHAHAHAH

Pls sabihin niyong valid yung nararamdaman ko kasi feeling ko ang sama sama kong anak 🥲


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Support needed Sa mga 90s kid na panganay na nasa late 30s na wala pang anak

4 Upvotes

Kamusta po mga Mental Health niu?


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Advice needed My boyfriend is a breadwinner.

26 Upvotes

Hi! I'm a girlfriend of a breadwinner. F (that's me, 26) my boyfriend is 27. We've been together since 2020. When I met him, nagbibigay lang siya nga allowance sa bahay nila since his mother is sick. Sila ng kuya niya ang nagbibigay ng allowance. Not until nagdecide na yung kuya niyang magpakasal so basically siya nalang nagbibigay. Yung tatay niya may work, yung isa niyang kapatid after him may work din, yung bunso nalang nila ang nag-aaral.

At first akala ko allowance nalang ang ibibigay niya for their bunso not until, hindi na nagmamake effort yung tatay nila to provide. so siya na sa lahat. allowance, tuition, dorm bills, and iba pa niyang bayarin. tapos yung isa niyang kapatid na may work, hindi rin nagbibigay kasi all for him lang yung salary niya. kumuha pa siya ng motor na hulugan daw niya pero pag di niya kaya bayaran, hihingi siyang pambayad.

Nung namahinga na yung mother nila akala ko kahit papaano mababawasan na yung mga need niya pondohan pero mas lumala. mas dumami na yung needs and demands nila knowing na dapat ang ginagastusan nalang ay yung bunso nilang nag-aaral. Yung tatay niya at kapatid niyang may trabaho humihingi parin sakanya.

we've been together for 6 years and ang stagnant nung relationship namin. wala kaming ipon na para saming dalawa. every time na iaask ko siya ano mga plans niya ang lagi niya sinasabi prine-pressure ko siya, na kesyo alam ko naman daw sitwasyon niya sa pamilya nila and yet nangp-pressure pa ako.

it's getting kinda draining and exhausting already. tuwing magdadate kami sasabihin niya "nakakakonsensya naman ang sarap ng kinakain ko tapos yung pamilya ko don di manlang maranasan to". lagi kaming nagtitipid para saming dalawa. laging pag sakin ang daming reasons npero pag sakanila lagi lang all in. kahit walang wala siya uutang pa siya makapagbigay lang.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting Ang hirap piliin ng sarili but I must.

7 Upvotes

All my life, I tried to keep us siblings together. Pero nahihirapan rin ako. Sana alam niyo na mahal na mahal ko kayo. Sana alam niyo kung gano ko kayo kamahal. Now that we're choosing our own paths, all I could do is pray that God will help us on our own journey. Akala ko sa move out pako iiyak but here I am, crying my heart out kasi ang hirap pala piliin ng sarili but I must.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting Gusto ko na maglayas

3 Upvotes

Hello, I am 18M panganay, accepted sa top state university, at may DOST Scholarship din. Gusto ko nang maglayas dito sa bahay namin, dahil sobrang nasasakal na ako sa kanila.

Nagstart ito nung nagkaroon ako ng first GF ko last 2024 nung nag grade 11 ako (kami pa rin hanggang ngayon). Ever since na pinakilala ko GF ko sa kanila, lagi nilang sinisisi yung partner ko sa mga actions ko na kesyo "bad influence" daw sya. Natuto kasi akong magstand up for myself dahil sa partner ko, dati kasi kahit mali na sinasabi sakin ng magulang ko, tahimik lang ako at tinatanggap ko lang. Simula non halos palagi nilang pinag-iinitan yung partner ko at relationship namin.

Nung 18th birthday ko last December nagkaron kami ng away ng nanay ko, di nila sinabi sakin na lalabas pala kami kaya ang akala ko wala silang plano sakin. Ilang beses ko sila tinanong kung aalis ba dahil nga birthday ko, gabi na kasi non tapos ang sagot lang sakin "pag-isipan pa namin". Pumunta ako nun sa partner ko para magcelebrate na lang kaming dalawa, tapos pag-uwi ko ginuilt trip nila ako hahahaha. Sabi sakin ginawa ko raw silang second option, mas pinili ko pa raw gf ko, tas kung ano ano pang sinabi na pang giguilt trip at pagsisi sakin. Dahil don, napuno ako at blinock ko yunh nanay ko. Di ko siya pinansin for 1 month pero ramdam kong galit sya sakin at sa partner ko (dinamay pa talaga partner ko). Isa rin sa kinagalit ko ay kinabukasan kasi ng birthday ko ay may entrance exam ako sa Manila, ang ginawa nila? nag-inom hanggang madaling araw hahaha. Kahit na iniisip kong di na lang ako mag-exam, tinuloy ko pa rin dahil sayang naman dahil State U rin yun. Nangutang ako sa mga kaibigan ko papunta doon para lang makapag-exam ako, galing pa akong Rizal papuntang Manila. Safe naman akong nakapunta at nakauwi. Tapos dumaan yung araw na may pasok, di nila ako binibigyan ng baon (nanay ko lang kasi may work, papa ko wala). Hinahatid lang ako ng papa ko tas walang binibigay na pera, sa totoo lang sobrang hirap nun dahil 7AM - 5PM pasok ko. Gutom at naglalakad lang ako pauwi. Buti na lang at andyan partner ko kaya sobrang thankful ako, binibigyan niya ako ng pera na extra sa allowance nya para raw may pangkain ako kahit papaano. Tapos minessage ng nanay ko yung partner ko, sinisi siya dahil nawalan daw ako ng respeto sa kanila na kesyo "bad influence daw sya" at mayabang daw yung partner ko kasi binibigyan ako ng pera, like what? sinagot naman sya ng partner ko dahil sa galit na rin at paninisi sa kanya. sa totoo lang naawa ako sa partner ko nun dahil wala naman siya ginagawang mali at lubhang nakaapekto sa kanya yun mentally at syempre sakin din dahil kasagsagan ng research namin yun. dahil doon mas nagalit ako sa kanila, di ako nakisama nung pasko at new year.

Around late December at January, thankfully nagkaroon ako ng work nun online, freelance lang as video editor. dahil don nagkaroon ako ng baon for the whole month of January at bumawi rin ako sa partner ko. Then by late January, nabalitaan ko sa former adviser ko na ipapatawag daw kami ng partner ko sa guidance dahil gusto ng nanay ko na makausap kami. Sa takot ko na magkarecord kami pareho dahil Valedictorian standing ako at honor student naman partner ko, nakipag-ayos ako, kinain ko pride ko lahat lahat na. Nagsorry naman sakin at sinabi na may magbabago. Nanghingi rin ako ng apology para sa partner ko, pero tagal nyang binigay yun. di pa sya gagawa ng message kung di ko pinaalala sa kanya.

Fast forward June 18, recently lang nangyari, nagtanong sya ano raw update sa "apology letter" kuno nya para sa partner ko na puro guilt tripping naman. Tapos dami niya nanamang side comment na kesyo kailangan pa ba raw nyang lumuhod para mapatawad, parang pinipilit nya yung partner ko na patawarin siya. Tapos sinabihan niya ako na ginawa ko na raw mundo yung partner ko, tapos sobrang concerned daw ako sa partner ko (natural siya lang kakampi ko). Tapos namention nya yung valedictorian speech ko na buti raw yung partner ko nabanggit ko, sila raw hindi. Proud ako sa speech ko na yun at proud din akong di ko sila binanggit dahil sobrang bigat sakin nung time na nag-aaral ako nang walang kain, walang tulog, at iniisip kung paano ako kinabukasan dahil sa kagaguhan nila. Ayaw pa siya patawarin ng partner ko dahil sobrang hirap talaga nung time na yun, at sinabi ko sa nanay ko na di siya entitled para ipilit na patawarin siya at di nya dapat madaliin yung partner ko, sinabi ko rin na proud ako sa speech ko. Tapos sabi ng nanay ko ikinadurog nya raw yun dahil di ko sila binanggit don, technically binanggit ko naman kaso inaddress ko para sa lahat ng parents na nandoon. Gusto ata special mention pa. Tapos sabi pa sakin "sana hindi nyo maranasan tong nararamdaman ko kapag naging magulang na kayo", ang sagot ko naman, "hindi namin mararanasan yan dahil hindi namin ipaparamdam sa anak namin yung pinaramdam nyo at di kami tutulad sa inyo". Then ayun, nagchat na rin GF ko dahil nagalit na rin sya. Sinagot nya yung nanay ko. In the end, pinag-initan nanaman nya partner ko. Di raw namin alam kung anong kaya niyang gawin, kakausapin nya raw parents ng partner ko, parang nagbabanta ba. Tas feeling bad bitch pa sya. tinry ko rin sila (kasama tatay ko) kausapin ng personal after mag-usap sa chat non, wala rin tangina, di rin nila maintindihan at di rin nila ako mapakinggan. Pinapili ako kung sila ba o ung partner ko, natural kakampi ako sa partner ko. Sinabihan din ako na "di ka naman ganyan dati" at kung gusto ko raw sa partner ko lumayas na raw ako sa bahay at magsama raw kamk.

sa totoo lang mas lalo ako nawalan ng respeto sa mga magulang ko, isipin nyo na kung ano gusto nyong isipin sakin, habang buhay kong ipagtatanggol at kakampihan yung partner ko. at siguro ngayon, di ko na sila maramdaman bilang mga magulang ko.

kung lalayas man ako ngayon, may mapupuntahan naman ako na malapit lang sa papasukan kong university na hindi nila alam at aasa ako sa stipends ko galing DOST para sa gastusin. ang ikinakabahala ko lang ay baka delay yung stipend namin dahil lagi raw delay yun

sa tingin nyo, mali ba ako? tama lang ba na umalis ako? at kung may suggestions kayo at payo, malugod kong tatanggapin. maraming salamat


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting I'm learning to lie to my mother for the sake of myself and my future

36 Upvotes

​

Recently, I got a job that pays well and has good benefits and bonuses (not that much but enoughto sustain the needs). But this is also the time that I have to lie to my mother about my salary and other benefits because she relies on me. Ako na kasi yung breadwinner since our padre de pamilya decided to stop giving us financial support kasi matanda na daw kami ng kapatid ko (my younger brother works as well, but helps a little). He passed unto us the responsibilities of being a provider.

Background:

Months ago, our father provided my mother a capital for a small business. Yung sa bahay lang siya at maliit lang naman yung kita. Unfortunately, I don't know kung anong pumasok sa isip ng nanay ko, naging irresponsible sa paggamit ng pera. Some of it pinautang (pero di na siya nabayaran, and she spends a lot on shoppee orders). hindi niya man sinasabi pero obvious kasi maraming parcel na dumadating.

Not until one day she cried in front of me, malaki daw yung problema niya kasi nalulong siya sa utang. She needs help. Ako naman I was hurt to see my mother cry. Yung perang pinadala naman ng papa namin for a renovation ng bahay na sa akin pina incharge, nabigay ko na rin sa kanya. Binigyan ko din siya ng pera through another loan na naman kahit maraming utang din akong binabayaran (malaki din ang nautang ko through loans and most of it sa expenses sa bahay din napupunta). She even got a help on my brother, nagkautang din ang brother ko para lang mabayaran niya yung utang niya. But that was still not enough. May natitira pa rin siyang utang na malaki. She even mentioned a 100k (Yung naging ugat ng utang niya is yung mga hindi legit na lending apps na nadownload sa playstore) sobrang laki ng interest, umutang ng umutang sa iba't ibang apps para mabayaran yung unang utang hanggang sa lumobo na). I was shocked.

Napaisip na ako na I'm going to lie about my finance sa kanya kasi kung sasabihin ko lahat lahat, aasa talaga siya sa akin. Paiyak iyak pa siya na naawa na daw siya sa aming magkakapatid. Pero di niya naisip sa una pa lang ang mga nagawa niyang pagwaldas ng pera. Tsk.

I'm sorry ma. Pero sana maintindihan mo ako. Gusto ko naman ma secure ang future ko at magkaroon din ng sarili kong pamilya. I want you to face the consequences of your action. Make it the biggest lesson to learn about finances. I will limit myself to your wants and needs. Kasi ako pa din ang mahihirapan kahit hirap na hirap na talaga ako. Hindi naman talaga kalakihan yung salary ko. Pero sana huwag ka ring umasa.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Discussion It's been 3 years since my dad last reached out.

2 Upvotes

I was left when I was just 7 years old and now I'm 30. I've noticed that he really doesn't reach out to us anymore, not even to say Merry Christmas or Happy Birthday to me and my sibling. Sometimes I want to check in, but he really hides from us. Even when I was a child, he was like this, and now it's just getting worse.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Advice needed 'di pressured ng parents pero pressured much

2 Upvotes

Yk the feeling guys na triple ang pressure if yung parents mo mismo hindi ka pinepressure. Sensitive kasi ako kaya when I overheard their conversations na ganito ganyan, uutang for my tuition, dorm, etc, I feel really bad talaga pero may times din na nakukuwestiyun ko sila sa isip ko na bakit mo pa kami sinilang kung hindi naman pala handa financially and emotionally sa future?

Private uni ako, may scholarships naman ako sa ibang inapplyan kong private unis, pero hindi ako tumuloy kasi mahal pa rin, too late na rin kung doon ako mag-aaral sa State Uni namin, aside sa wala doon ang desired program ko, hindi ako nakapagtake ng entrance exam nila. So bale hindi ako scholar sa uni na papasukan ko.

I am aware of our financial constraints, but I heard sa isang aunt ko na papaaralin din daw ako ng tita ko (marami na pong pinaaral at napagtapos tita ko) and my tita naman after I graduated from shs kept on asking me saan ako mag-aaral, anong program etc, thats why akala ko talaga, may magpapaaral sa akin kaya rin siguro todo go nang go parents ko mag-apply or magtake entrance exam sa private unis, or maybe they're just being supportive kaya go nang go kung magtatake ako entrance exam doon.

I can't help but feel worried.

Sobrang nakakapressure, hindi nga pinepressure ng parents pero I can't just shrug it off and act na walang problema://


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting Mama's boy or just love his mama

3 Upvotes

Im in a 10 year relationship, si boyfriend ever since we started our relationship napapansin ko na talaga that he really is close to his mom, mukhang bibig ay si mama ganito, sabi ni mama ganyan, sabihin ko kay mama.

I shrugged it of since same naman kami na only child and Im also close to my mom but not to the point na di ako makapagdecide for myself, si boyfriend kasi di niya kaya magdecide para samin, isang sabi lang ng mama niya di siya makaporma na magstand up for us for himself.

For example, pinapauwi siya ng mama niya kasi darating daw kamag anak nila eh nakaadmit ako sa hospital and kinabukasan discharge na ako. Im hoping na sana magsabi siya sa mama niya na " ma, pwede ba sa susunod na araw nalang" kailangan ko siya eh tapos iiwan niya ako after the day ng discharge ko.

Im nothing against his mom pero parang ano ba sinasabi na part ako ng family pero bakit ganun.


r/PanganaySupportGroup 4d ago

Venting I am secretly saving for my brother since 2021

122 Upvotes

Sakit ng ulo dati ung kapatid kong lalaki. Noong 2015, weeks after ko pumasa ng board exam at makakuha ng entry-level job, nalaman namin na hindi pala niya ibinabayad ung tuition niya sa school at dropped na siya. He was 18 and I was 21 at the time. 2nd year college na siya that time.

Pinalayas siya sa bahay. Nagmakaawa siya sa akin na pag-aralin siya at bigyan ng 2nd chance which I gave him. Nakakaawa sitwasyon ko nun kasi ang liit ng sahod ko tapos hinahati ko pa para sa needs naming dalawa.

then 2016-2017, nagdrop siya sa school. Ayaw na mag-aral. Nakabuntis pero tinakbuhan. Ung girl, di nagpakita sa amin. OJT na lang sana pero ayaw maghanap ng mapapasukan. Mahirap din kasi Nagtrabaho kung saan-saan for 3 years. In that 3 years, kahit may work siya, either nagkakasakit siya or biglang mawawalan ng work. Binibigyan ko ng monthly allowance.

Alam mo ung feeling na trauma ka na, nagriring ung phone mo kasi problema na naman un tiyak.

Then 2021, napuno na ko. Sabi ko, tama na. Di ko na siya kayang suportahan. Blinock ko na siya. Tiniis ko talaga. Balita ko kulang na lang mamalimos siya. Pandemic pa nun. No contact since nung 2023 nung namatay si mama.

Pero pinagpatuloy ko ung pagtabi ng pera para sa kanya monthly, but instead of giving it to him, nilagay ko sa isang bank account. Naisip ko that time, makaipon ng pambili ng maliit na property for him in 4-5 years time. Kahit na wala siyang work in the future, he has a land for himself. Currently, ung fund, enough na para makabili ng modest land sa province namin sa bulacan.

Now, my brother works na pala sa abroad as a ship mechanic at binalikan ung school niya para tapusin ung degree niya sa marine engineering. We were both working abroad na but in different countries. He has a land sa province ng ex-partner (2nd partner) niya at condo sa metro manila.

I'm still not telling him about the money and I am still putting funds into it.

Why did I share? I dunno. God works in mysterious ways talaga. Di ko rin alam kung inspiration ito.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting The draining reality of becoming a adult

1 Upvotes

Long post

Hi, I'm Azul (not my real name) 22 years old, female, a senior highschool graduate, currently living in Antipolo City. Living in the Philippines is a dream for most foreigners and tourist, but being a Filipino born and raised in the Philippines is hard, growing up in this country will give you a lot of eye-opening moments.

I didn't continue to study college not by choice, since I cut ties with my eldest brother, and I don't have anyone to rely on since we're a broken family, and my other siblings doesn't have healthy relationship to each other, they have their own family while me left in our father's (deceased) house alone, we're not rich. well me, the black goat of the family happen to be friends with all of them (before) until things turned out bad with my eldest brother. he gave me a choice to continue studying but I didn't continue, I don't want to be in a place that I'm not welcome anymore.

And then I'm alone again, being so left behind from everything. My heart shattered into pieces but at the same time happy, seeing my friends continuing their studies and following their dreams. kind of weird because I once dreamed of myself being in that situation. Everything become worst for me but then me and my mom reconciled, she helped me have things to eat in my house. Also, my sister gave me some funds, she's my best friend and the best ate. But I still feel like a burden, a 20 year old and a shs graduate with no work. I felt depressed with no energy to do everything.

A little fast forward, I turned 21 years old still in the same situation but it's becoming worst for me. The feeling of being the unfavorite child of your mother is the worst, seeing your bother being favored the most since he's the one studying (he's an shs student that time in 2024 - 2026) He came home from Cebu, since they can't handle him there. I got so depressed again, and then I got in touch with my 2nd eldest brother. He offered me a work in his wife's shop, and of course as a desperate person I accepted it. He's running a flower shop, stay in.

At first I thought everything will go well, but it doesn't. Well, most of the basic needs is free but if we're talking about the pay, I think everyone will say it's ridiculous. I ran some errands for them and coming back home with 200 php - 300 php inside my wallet. I let it slide at first since I finally have money to buy food for me and my brother, not until I stayed in their shop for a month since all souls day is coming. He gave me 50 to 100 every day to let me buy anything that I want, and again I let it slide. All souls day came, and everyone is exhausted and not getting enough sleep because customers are rushing to our store. The 3-day non-stop work has ended, he lent me 3k in advance before everything even started but I spent some of it because there were times that only me and his children were the only people in the sbop. He goes to see his wife lol. I went home with only 1.5k+ money in my pocket, then again I spent everything to buy some food supply.

Last valentine's day this year I stayed there again for 1 month and went home with 2.5k money inside my wallet, after that I didn't return to his store again. I felt disrespected and taken advantage on since he's my brother. The month of March came, my sister already booked me a flight to Luzon. I arrived in Manila and took a ride to Antipolo, my first two and a half months were the best but at the same time worst. I had to adjust and fit, new environment, new people to socialize with. My sister made me her assistant in her business, she's self employed. She's paying me well though I'm not asking for it since she's the one taking care of me, but she insisted. everything worked out so well, not until June and July arrives. Business is on the season of drought, the customers are barats lol. so she barely asked for me to assist, so doing the usual I helped in household chores. Everything dropped when all of the pressure was pressed on me, I'm already 22 years old but I still don't even have a proper work.

I can't help my sister on their bills, though they're not struggling, I feel like I'm so left behind. I got desperate and apply to every job in some websites that I'll fit in, I even applied to a bpo company. I went to their recruitment team and got in to the final interview in the same day, but I wasn't hired. I got mental blocked and can't focus very well since I'm nervous, there's a part of me that lost the energy after it. But I understand, maybe because I lack good communication skills and mid in English.

But I didn't stop there, I applied again to different companies with the role of store crew/service crew. some were scam so I'm starting to lose the hope to find a job. I found some roles that I'm totally fit, but the problem is some of the jobs right now requires experience or you should be a college graduate. I questioned myself out of nowhere, how can I get experience if some of those work needs experience? and how can a shs graduate like me will find a work that won't need a college graduate requirement? that's when it hit me, it's really hard to find a job in a country like this. you barely have the opportunity to work if you're not qualified enough even if you have the potential to do so. Maybe everything will get better if I finished college no?

I'm so bothered all the time of me not getting a job to the point I apply being a Instagram VA thrice now, where you'll promote OF to other users and make them subscribe to it. A performance based job, pay per click. At first, I feel a little happy that I'll finally have a little experience being a VA. But it wasn't easy especially having a low-end phone and without a laptop to use. I was barely doing something until the account I'm using got taken down, I lost energy and backed out. My efforts weren't seen either, so how come I'll stay in that kind of situation? But then again I saw another promotion in Instagram, I applied again last time just to finally say that I have a job.

So yes, being not privileged enough is hard. Even if you're trying so hard to rise someone or something will pull you down. I dislike being born in this country, but do I have a choice? no. I guess I'll keep grinding until I'll finally have a life worth living, lol. Thanks for those who'll read this, appreciate it a lot.