Chissmiss lang toh so really informal ang post nito hehe. Also i placed this in 18+ kasi masyadong sensitibo ang pangungusap nito, sa paningin ko.
I dont know where to put this and what flair to use so yeah
Ngayon, july 22 2026(HAHA NAGLAGAY PA SIYA NG DATE) nasaniban ang aking kaklase.
So yung nangyari, ap namin(mga 3-4?), tas hindi mapakali ang aking kaklase, and i dont know kung anong nangyayari.
"Oy pakikuha ang bible ko sa bag ko" And related sentences like that i heard.
Then i saw my classmate(let's call her N) coming in crying lightly — A few minutes later, N sobbed.
My classmates say "Magdasal tayo guys" and me being an agnostic nag hail mary pa ako kasi natakot ako😭 Yung hagulgol niya naging sigaw ng malakas. I immediatly covered my ears and closed my eyes because it was too much to handle!
JUSKO, NUNG AKALA KO TAPOS NA YUNG DASAL NILA, SABI NG FRIEND KO "OP huwag ka tumingin sa mata niya" Pero hard headed ako and tumingin ako kay N — Nakaharap siya sa likod at nakita ko ang mata niya. Like parang galit ang kanyang expression, take the lucifer painting for reference.
That is when I started to cry a bit because i dont know what was happening...A few minutes later pumunta kami ng kaibigan ko sa likod, umiyak ako, yung friend ko isa — umiiyak din.
Later, pumunta na yung adviser namin, inaaproach niya si N. "IN THE NAME OF THE FATHER AND OF THE SON AND OF THE HOLY SPIRIT—" Basta she is trying to exercise(ito ba ang right spelling?) N.
Then suddenly hindi ko alam kung bigla pumunta siya(N) sa labas o tinakbo nila sa clinic. Basta, may narinig akong pagtakbo papunta sa labas.
Without the president;
Without the adviser;
Nagsimula na ang mass hysteria.
Kasali ako sa mass hysteria because natakot ako talaga sa nangyari.
Screaming
Shouting
Sobbbing
Comforting
Yan lang ang naririnig ko, panic attacks and fainting(one single person). I called my mom kasi idk, hindi 'ko alam kung anong gagawin e.
Nandito na ako sa office(teachers) ng mommy ko, nagsusulat nito. Na kalma na ako na yizz...
From what I heard from my mom, may nakita si N ng babae, may panaginip ako ng babae nakabigti a few days ago! Hindi ko alam kung related yan or something.
Si N? Hindi ko alam.
Here is some things you have to know about sa classmate at classroom ko:
May mga sakit si N physically and mentally, kapag sobrang ingay, nagseiseizure siya.
Since public schoolers kami, expect walang aircon para saamin.
Yung sakit ni N at ang init, naging double kill na.(HAHAHA JOKE LANG Pero totoo naman.)
Buti nalang asa harap si N, who knows what will happen kung nasa likod siya!
Ok naman lahat kami, sana na blessed na ang aming classroom.
Edit 1:
Hello mga tao! So i have gathered more information from my friend and yung pta gc.
May sinabi ng isang parent daw na may bumubulong sakanyang anak sa classroom ng "papatayin kita" "kukunin kita." Nasa ER na siya ngunit dati na pumupunta siya ng ER dahil may sakit siya.
More about kay N, sinabi ng kaibigan ko na that N spoke to one of my classmates before yung saniban. "Yung afi sa puno...Yung afi sa puno..." bumigkas niya sakanya. Sa school namin, may tinatawag na "Afi park," may dalawang puno jan as i remembered, and sinabi ng kaibigan ko na may spirit sa puno na iyan(kapre).
My friend's tita believe that the spirits are taking that girls, which i kinda believe. Hindi na epekto yung mga lalake during the mass hysteria.
Ok that is all for this edit!✌️ Sana na bless na ang classroom o kaya yung classmates ko. Good morning!