r/NursesPH • u/BodyOk7958 • 3h ago
❓General Question / Advice Unemployed Nov 2023 nurse
Meron parin bang Nov 2023 Rn na unemployed?
*PLEASE DON'T JUDGE ME PO*
Pakiramdam ko hindi ako umuusad na istuck ako after my boards and graduation🥲
For the context after boards nakapag work naman ako pero palagi akong nag immediate resign sa trabaho dahil di ko nakakayanan ang pressure sa trabaho di ko naman sila mailagay sa resume ko kaya nanatili parin akong no experience given the fact na isa ako sa mga dean Lister sa school namin with high board ratings pero in reality pantay pantay lang talaga tayong lahat as a Nurse hindi naman talaga yan tinitingnan yan sa realidad ng buhay. Hindi ko matanggap na ganito ang sitwayson ko sa sarili ko ngaun pinaghirapan ko yung narating ko noon lahat ng oras, financial, effort ng pag aaral ginawa ko kahit pandemic student nurse ako noon talagang inaral ko yung degree ko with all my heart and effort na iniisip ko if ever mag duty na kami at least i know something, Ako yung student na palaging tinatanungan ng mga kaklase nila kapag may tanong sila sa subject or sa clinical rotations namin pero ang ending ko ay isang unemployed, lost Nurse ngaun. Naloloka nga ako eh yung mga kaklase ko na relax lang noong college days sila pa ang mas nag grow at nag advance sa career nila as nurse ngaun kaya di ko maiwasan na MAS madisappoint sa sarili ko at tanungin sa sarili ko ANONG NANGYARI SAAKIN? Sila nasa abroad na AKO ganito parin naistuck ako sa nakaraan.
Naghanap naman ako ng work nag walk in ako nag pasa ng resume lahat ginawa ko pero parang may trauma na ako everytime na mag apply ako wala akong excitement na maramdam kundi takot at duda sa sarili "paano kung mangyari ulit saakin yung dati"? Nag try ako ng soft nursing pero usually need ng year hospital experience for PHRN positions. Para akong timang kahit sa panaginip ko pakiramdam ko nag duduty parin ako sa last workplace ko . Pag may nakikita akong mga naka scrub suit na nurses nagiisip ako na ano na kaya itsura ko ngaun kung di ako nag resign at nilakasan ko ang loob ko noon?
Mababait naman mga kasama ko noon sa workplace ko pero dumating sa punto na parang na overwhelmed ako sa ginagawa ko until pumasok sa isip ko that time na mga negative thoughts isama mo pa dyan may mga co worker ka na negative influence sayo, mga chismisan na pakiramdam ko minsan akala mo ikaw pinag chichismisan i get paranaoid that time di ko alam sino pagkakatiwalaan ko. Tapos dagdag mo pa yung anxiety pre and post duty wala akong peace of mind. Dumating sa point na gusto ko nalang mawala para di ako mapahiya sa mga taong tumulong saakin sa pag papaaral.
Ngaun nagsisi ako sa mga desisyon ko sa sarili ko kung di lang sana ako umalis agad agad sa mga trabaho na trinabahuan ko edi sana ngaun hindi ako nahihirapan ngaun, kung nilakasan ko lang loob ko edi sana di ako ganito ngaun. Next month boards na naman dadami na naman ang mga nurses mas lalo na naman ako mapagiiwanan. For the context being a nurse is not my dream job but nung inaral ko sya i give all my love and effort to learn my degree but it only makes me a negative person and much more perfectionist.
Ngaun di ko alam anong gagawin ko sa buhay ko di naman kami well off family, yung mama ko senior na bunso ako sa pamilya namin although di nila ako pinepressure but lalo akong naprepressure sa sarili ko di na rin kasi ako bumabata pakiramdam ko wala na akong silbi dito sa mundo. Iniisip ko nga kung di sana ako nag nursing hindi ata masasayang ang career ko. Pakiramdam ko wala na akong career at kinabukasan.
Gusto ko magpatulong hindi ko alam sinong masabihan ko I isolate myself from my friends 3 years ago na nahihiya naman ako mag reach out to them at magkwento sa sarili ko kasi sila nga nakayanan nila yung hirap tapos AKO sumuko na agad ni wala pa nga akong napapatunayan sa sarili ko.
Gusto ko na mag move forward. Until now im still searching a right soft nursing job for me at least dito muna ako for the meantime but naiisip ko parin bumalik sa hospital to gain hospital experience if nakaipon na ako ng pera to upskill for trainings then try abroad. But madami paring pwede magbago sa future i still don't know but i want to try.
May pag asa pa kaya ako sa career ko as a Nurse?
May mga nurses na katulad ko din ba?
May RN2023 na still unemployed?
I hope you don't judge my story po but help me out to figure this life and career. Thanks!