r/EncantadiaGMA Jul 15 '25

AMA (Ask Me Anything) Avisala! I’m Rhian Ramos. Go Ask Me Anything!

93 Upvotes

I will answer your questions this Thurday, 2PM! Just send them in the comments.

See you here on r/EncantadiaGMA!

Avisala eshma, Encantadiks!


r/EncantadiaGMA 1d ago

Show Discussion [SPOILERS] Hot Take: Armea is Not The Best Character in Sanggre

19 Upvotes

Siya Talaga yung pinaka Wasted potential na character sa Buong Series at Sobrang interesting sa Sapiro arc pero, kapag ang isang Female character ay may napakaPotential niya sa show Until nababawasan lamang sa pagiging love interest (Daron) na Sobrang Unnecessary sa Arc niya


r/EncantadiaGMA 1d ago

Show & Cast News + Updates Kelvin Miranda awarded as Best Performer in Series/Anthology for his role as Adamus in Encantadia Chronicles: Sang’gre at the FAMAS Broadcast Awards

Thumbnail
gallery
18 Upvotes

r/EncantadiaGMA 4d ago

Throwback Ang panahon ay lumipas, ngunit ang mahika ay nananatili.

Post image
51 Upvotes

Mula sa mga kaharian ng Lireo, Adamya, Sapiro, at Hathoria, hanggang sa mga karakter at kwentong minahal natin, patuloy itong nabubuhay sa alaala ng bawat isa.

Maraming salamat sa sampung taon ng pagmamahal at suporta. ❤️ Happy 10th Anniversary, Encantadia 2016!


r/EncantadiaGMA 5d ago

Throwback Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig ang Encantadia?

Post image
29 Upvotes

Sa loob ng 10 taon, naging bahagi ng ating mga alaala ang Encantadia. ✨

May isang karakter, eksena, linya, o kaharian bang hindi mo pa rin makalimutan hanggang ngayon? Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig ang Encantadia?

I-share mo sa comments ang iyong Encantadia core memory!


r/EncantadiaGMA 5d ago

Questions When will Encantadia be like this?

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

36 Upvotes

Enca is too much to be released as a daily series, shoot-to-air, and telenovela format on FREE TV and YT. I literally thought they would release it on Netflix in a weekly series format.


r/EncantadiaGMA 6d ago

Questions Genuine Question: Why we can't have Encantadia being like this?

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

93 Upvotes

This AI TikTok video represents how Enca should be produced.

Kung magkakaroon man ng NEW Enca Season in the next decade, sana maisip na nila to release on Netflix but I wanna question ECS 2025:

BAKIT hindi nila naisip, when Enca 2016 ended in 2017, na may potential ito to make it GLOBAL by releasing it on streaming platforms like Netflix?

BAKIT until now, sa FREE-TV and YT pa rin eto pinapalabas?

WHY didn't they invest in this telefantasya so badly para mailabas ang full potential neto by hiring WORLD-CLASS producers?

BAKIT shoot-to-air pa rin ang style para lang pahabain ang story?

BAKIT ang target audience nila ay ung mga kuntento na sa libre?

BAKIT ayaw pa rin nilang pataasin ang standards for something that has potential?

Honestly, I am WILLING to pay for a NETFLIX or other streaming site's monthly subscription basta ung quality overall (story, logic, set, vfx, etc.) ay malayo na from what a FREE-TV teleserye could offer. I actually don't mind kung maiksi ang duration ng story basta compact and talagang nag-invest ng todo-todo to improve in all aspects.

Di ako tulad ng majority who prioritise basta FREE and picking QUANTITY OVER QUALITY, as I value QUALITY more. Ung international quality sana tulad ng AVATAR with no AI completely for VFX

Now, before saying ang OA ko, lol, I have the free time to do this, and it's my right to share what I'm feeling right now. Even si Gabbi Garcia (Alena) napa "hay" na lang eh as she comments on this video on Tiktok


r/EncantadiaGMA 7d ago

Questions Bathala at Bathaluman

Thumbnail
gallery
36 Upvotes

May nag ask sa mga Sanggres, I thought about Bathalas at Bathalumans Naman. Sino bias niyo? How do you rank them? Yes, yang mga original lang.

Sorry sa low cost collage. Share ko na din thoughts ko sa kanila.

(1) Bias : Ether and Arde, specially Ether. Self Explanatory naman Ang Ganda at sexy Ng portrayer, You'll forgot the 2016 Ether with the 2025 Ether. Ang cool Ng character. Hands on and iniispoiled mga nasasakupan, kaya Ang hand to hand combat, kahit walang magic force lavarn pa din. Arde, for being a green flag, loyal lover of one. They're such a great couple, di lang napansin Ng maigi Nung 2016 Kasi Ang onti lang Ng moments but looking back, they are great parents of Encantadia kung mabait lang sana Sila non.

(2). Haliya : She's living my dream life. Alone and peaceful, except lang sa part na uto uto siya. Maasahan kung tatawagin mo, kumbaga tahimik but reliable friend. I bet she's like the secret weapon nila. And their baby.

(3). Emre : Ok lang, Wala namang depth Yung character niya maybe for me. Kasi gets Naman Ang concept niya. Parang Christianity. Although, kung taga Encantadia ka lalo't nawalan ka Ng mahal sa buhay sasama talaga loob mo. Lalo sa part ni Danaya at Lira, pwede naman sigurong mag pababa na lang si Emre Ng mga ivtre non para patas. Mas justifiable din for me Yung reason Ng sama Ng loob niya Kay Ether at Arde, not like Nung 2005. Feeling ko sa 2016 Yung mga Encantado Ang naging unfair kina Arde at Ether.

(4). Keros : I need more sa kanya, kaso parang ang baba Ng EQ niya as a bathala. Not to invalidate his feelings or his story pero gusto ko yung parang may nag point out talaga sa kanya na useless siya and such. Hindi Yung siya lang nakaisip sa Sarili niya non. Kasi baka may sumamba Naman sa kanya siya lang tong umalis agad. Like Haliya Kay Gargan. Kailangan pa siya ma real talk ni Kahlil, Wala siyang paninindigan din though nagbalik loob din siya Kay Emre, mahirap na siya maging kaibigan.

(5). Gargan : Wala Ako masabi Dito, di ko sinubaybayan Yung Sanggre. Balakayojan.

Ps: I respect other opinions and theories pero please di ko maimagine i-ship sina Emre at Ether. Or may past Sila, na either Isa talaga sa kanila may feelings sa isat isa. Maawa Naman kayo Kay Emre, sobrang sadista ni Ether feeling ko bugbog sarado si Emre sa kanya kung maging Sila. Toyoin si Ether as a gf, but Arde can handle her. Di ba nga Sabi ni Emre siya Yung unang nagalit, sumunod lang si Arde. That's all.


r/EncantadiaGMA 8d ago

Throwback 10 years later... Who still reigns in your heart?

Post image
64 Upvotes

May mga favorites na nagbabago habang tumatanda tayo... Pero meron ding hinding-hindi napapalitan.

Who's your forever Sang'gre, and why? I-comment mo na ‘yan!


r/EncantadiaGMA 10d ago

Lore Discussion I made Encantadia family tree

Thumbnail familyecho.com
10 Upvotes

Gumawa ako ng enca fam tree including titles, birth and death place (kung meron), kung sino ang nagportray, at color coding kung anong royalty or affiliation (red-hathoria-firegem, blue-lireo-airgem, green-adamya-watergem, brown-sapiro-earthgem)


r/EncantadiaGMA 14d ago

Random Thoughts For the next Enca season, PLEASE RELEASE IT ON NETFLIX PAKIUSAP

Post image
71 Upvotes

The photo is fan-made

Just please, I'm willing to pay for a Netflix subscription monthly kung talagang mag-invest talaga sila to make Enca improve in all aspects. No to free TV kaya mababa quality; if someone argues or complains because it's not free to watch, then fight with the wall lmao. Mahirap sating mga Pinoy di bale mababa quality basta libre...


r/EncantadiaGMA 17d ago

Commentary REBOOT IT

34 Upvotes

Can ECS be back and changed it plot instead??? there are so many things na missed opportunity. nasasayangan ako sa character ni mitena, she could have freeze the land tas may pa smoke effect everytime maglalakad siya kasi ice queen siya. tas sa mineave lang siya?? like doon niya ini-imprisoned yung mga old characters. tas para naman ma explore yung mineave. tas mag battle between mitena and cassiopea. yun anb hinihingay ko, kaya lang sayang eh, walang magical na naisulat yung mga writers, tas si anaca yon, siya sana ang biggest plot twist.


r/EncantadiaGMA 22d ago

Show & Cast News + Updates ang pretty ni angel guardian!

Thumbnail
gallery
352 Upvotes

grabe ang face card??!?


r/EncantadiaGMA Jun 22 '26

Random Thoughts This is not the Kylie/Amihan I know

Post image
0 Upvotes

Kapuso actress Kylie Padilla shared a sweet photo with her father, Sen. Robin Padilla, on Instagram to greet him on Father's Day.

“I love you. I’ll always be daddy’s girl. Happy Father's Day,” she wrote in the captions.

COURTESY: Kylie Padilla/Instagram

Visit www.gmanetwork.com/news for more updates.


r/EncantadiaGMA Jun 21 '26

Fan Theories [SPOILERS] Sequel ng Sang'gre

25 Upvotes

Mitena is not dead. Nung napulot niya ang Brilyante ni Gargan, gumawa siya ng panibagong nilalang na kahawig niya at ng pekeng itim na brilyante na binigyan niya ng kapantay na kapangyarihan.

Nanonood siya sa laban ni Terra at ng pekeng Mitena. Nakita niyang napatay ni Terra ang pekeng Mitena.

Dahil alam niyang matatalo ng mga Sang'gre ang Itim na Bathala, minabuti niyang umatras sa digmaan. Naisipan niyang ipagpatuloy ang pagpunta sa kaharian ng kanyang kinamumuhiang amang si Memen, ang lumang Etheria.

Humahalakhak sa tuwa si Mitena habang papunta sa lumang Etheria dahil inaakala ng mga Sang'gre na patay na siya pero ang totoo ay hindi pala.

Nang makapunta siya sa lumang Etheria, nakita niya ang lagusan. Ang lagusan ay patungo sa ilalim ng lupa. Nang siya ay nasa ilalim na ng lupa, tumambad sa kanya ang wasak na kaharian ng Etheria.

Nilibot niya ang Etheria. Sinimulan niya sa Hera Ayega, Hera Sensa, Hera Volo at finally, sa Hera Andal. Habang nililibot niya ang bawat tribal house ng Etheria, bumabalik sa kanyang alaala ang panahon nung siya ang Kera ng buong Encantadia, mga panahon na hinabol niya ang masusing pag-aaral sa kasaysayan ng Encantadia mula ng siya ay itinapon ng kanyang ama sa Minea-ve.

Sa tulong ng itim na brilyante, nakita niya ang iba't ibang kapangyarihang taglay ng bawat Hera.

Habang siya ay nasa Hera Andal, naisipan niyang tuklasin kung may mga naiwan pa bang mga alaala ng kanyang taksil na ama. Ito ay upang kahit papaano ay mabuo ang kanyang pagkatao bukod pa sa mga nalaman niyang nasusulat na kasaysayan sa Lireo. Ang kanyang napulot ay ang mga kasulatan tungkol sa kasaysayan ng Etheria, kasama ang kasaysayan ng bawat Hera, at ang mga iba pang mga kaharian na umiiral sa Encantadia.

Habang nagbabasa, isang nilalang na kalahati ang katawan ang nagpakita sa kanya. Naglaban sila. Habang naglalaban, nagpakilala si Mitena para malaman ng kalaban kung sino siya dahil hindi siya nito kilala. Ipinakilala niyang siya si Mitena, ang anak ni Memen at Ornia at ang kakambal ni Cassiopeia. Ngunit itinapon siya ng kanyang mga magulang sa Minea-ve.

Nagulantang si Avria. Hindi niya sukat akalain na may iba pa palang anak si Memen kay Ornia. Pinaliwanag ni Mitena na kahit siya ay anak nila Memen at Ornia, kinasusuklaman niya ang kanyang mga magulang.

Natawa si Avria. Naguluhan si Mitena. Pinilit niyang ipakilala ng nilalang ang kanyang sarili. Ipinakilala naman ni Avria ang kanyang sarili, na siya ang huling Reyna ng Lumang Etheria. Ngunit sabi ni Mitena, siya na ang Reyna ng Lumang Etheria. Sinagot siya ni Avria na hindi mahalaga kung sino sa kanila ang Reyna sapagkat wala rin namang silbi dahil wasak na ito.

Itinanong ni Mitena kung bakit ganyan ang anyo ni Avria. Ito ay sapagkat pinagtaksilan siya ni Hagorn matapos na siya ay muling mabuhay. Gamit ang Ginintuang Orasan, hinati ni Hagorn ang kanyang katawan. Kalahati sa nakaraan at kalahati sa kinabukasan. Ang kinabukasan ng kahapon ay siya nang kasalukuyan. Kaya siya ngayon nakikita ni Mitena.

Humalakhak si Mitena. Nagtaka si Avria kung bakit siya natutuwa. Sinabi ni Mitena na kita mo nga naman, ang pumatay sa yo ay aking pinatay kasama ng mga diwatang kinamumuhian niya. Sinabi ni Mitena na isa na lamang abo sa balaak si Hagorn.

Itinanong ni Avria kay Mitena kung kumusta na ang kanyang Bathalumang si Ether. Muling humalakhak si Mitena. Sinabi niya kay Avria na pinatay niya si Ether nung ito ay magpunta sa Minea-ve upang siya ay pakawalan at kuhanin ang Esperanto. Kasalukuyan nang nagpapakadalisay sa Dalum Deva ang kanyang bathaluman.

Tinanong ni Avria kay Mitena kung sino na ang lumalaban sa mga diwata. Sinabi ni Mitena na kasalukuyang namamayagpag ang mga diwata matapos ang mapaminsalang digmaan nila ng bathalang Gargan. Idinagdag niyang nagapi ang bathala ngunit di niya batid kung ito ay patay na ba o hindi pa.

Itinanong ni Avria kung sino si Gargan. Sinabi ni Mitena na si Gargan ang bathalang ikinulong nila Emre, Arde at Ether. Sinabi rin niyang ito ang may-ari ng itim na brilyante. Na siya namang ipinakita ni Mitena kay Avria. Ngunit sinabi niyang kapiraso lamang ito ng Itim na Brilyante.

Itinanong ni Avria kung bakit kasalukuyang nasa Lumang Etheria si Mitena. Sinabi niyang nais niyang buuin muli ang nasirang kaharian ng Lumang Etheria. Bumuo ng malaking hukbo. Itaguyod muli ang mga Hera nito. Upang muling maminsala sa mga diwata.

Sinabi ni Avria na dahil sa parehas nilang layunin, binibigyan niya ng kakayahan si Mitena na maglakbay at masaksihan ang mga naganap sa nakaraan bago gumuho ang Lumang Etheria. Kapalit nito ay kailangang dalhin ni Mitena sa kasalukuyan ang kalahating katawan ni Avria bago tuluyang gumuho ang Lumang Etheria. Idinagdag pa ni Avria na sakaling mabuo ulit ang kanyang katawan, gagawin niya ang lahat upang baguhin ang naganap sa nakaraan upang mabura sa kasaysayan ang pagkawasak ng Etheria at manatili itong isa sa mga umiiral na kaharian sa Encantadia.

Humalakhak si Mitena at sinabing bakit naman niya gagawin iyon? Gayong kaya niya namang buuhin ang Lumang Etheria gamit ang kapiraso ng itim na Brilyante.

Sinabi ni Avria na kapalit ng pagpayag ni Mitena, babaguhin niya ang nakaraan ni Mitena. Ibabalik niya si Mitena sa Encantadia. Papatayin niya ang kanyang anak-anakang si Minea para ipalit si Mitena bilang tagapagmana ng kaharian ng Etheria. Alam ni Avria na nangungulila si Mitena sa pagmamahal ng isang ina. Ituturing ni Avria si Mitena na parang isang tunay na anak kahit pa ito ay mula sa dugo ng mga nagtaksil sa kanya. Magtutulungan sila para mabago ang kasaysayan ng pamamayagpag ng Lireo pakatapos ng pagguho ng Etheria.

Lingid sa kaalaman ni Mitena, balak ni Avria na patayin si Emre upang mapakawalan si Gargan at mapaghandugan ng kapangyarihan ng Itim na Brilyante para mabura sa kasaysayan ang pagguho ng Etheria.

Napapayag ni Avria si Mitena. Bumukas ang lagusan ng Hera Andal patungo sa nakaraan. Tumungo na si Mitena sa lagusan at tuluyang naglaho.

Sa kanyang pagtungo sa nakaraan, nagbago ang kanyang anyo. Napagtanto niyang hindi siya nakikita ng mga nilalang. Nananatiling buhay at umiiral ang kanyang Esperanto at kapirasong Itim na Brilyante ngunit hindi nagpapamalas ng kapangyarihan.

To cut the story short, sa nakaraan masasaksihan ni Mitena ang magkaibang buhay ng kanyang mga magulang, ang kanilang pag-iibigan, ang kanilang kataksilan kay Avria, ang kanilang pagtakas mula sa mga tumutugis sa kanila, ang kapanganakan nila ni Cassiopeia, ang kamatayan ng kanilang mga magulang, ang paglaki ni Cassiopeia at pagiging unang reyna ng mga diwata.

Samu't saring paglambot ng puso, kilig, awa, galit, at inggit ang mararamdaman ni Mitena habang binabagtas niya ang kasaysayan ng Etheria kasabay ng paghahanap sa nawawalang kalahating katawan ni Avria.

Itutuloy...


r/EncantadiaGMA Jun 20 '26

Fan Arts AI IN THE FANDOM

25 Upvotes

Apparently di safe ang community from AI users, even though majority of the fans are creatives. Hay nakakalungkot.

If u guys remember, I often post concept art here as I know fans would be supportive of the craft that goes behind the artwork. Nakakainis lang na as a creative na hirap mag-aral, kumayod sa industriya eh nanakawin lang gawa ko para sa fancasting.


r/EncantadiaGMA Jun 15 '26

Random Thoughts O Kasarap-Sarapang Sang'gre Adamus

Thumbnail
gallery
32 Upvotes

O kasarap-sarapang Sang'gre Adamus,\ ako ngayo'y nakaluhod sa iyong harapan,\ sumasamba at umaasa sa'yong presensya,\ nawa'y ako'y mapakinggan at mapagbigyan.

Biyayaan mo nawa ako ng angking kaguwapuhan,\ inspirasyon at disiplinang alagaan ang aking katawan,\ kakayahang mang-akit gamit ang aking kahubdan,\ gaya ng aking lubos na paghanga sa iyong kasarapan.

Ako 'rin iyong bisitahin sa aking panaginip,\ ipamalas mo sa akin ang iyong kakisigan,\ iparamdam ang tigas ng iyong paninindigan,\ at ipalasap ang katas ng iyong pagsisikap.

O dinggin mo ako, aking tinatanging Sang'gre,\ Ikaw ang aking gabay sa malalamig na gabi,\ Ikaw ang pumapawi sa kalungkutan kong hikbi,\ kaya't ngalan mo palagi ang aking sinasambit.

Sa pamamagitan at kapangyarihan ng iyong Brilyante ng Tubig,\ ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong pakiki-niig.\ Avisala Eshma, O dakilang Kelvin Miranda,\ ang masarap na Sang'gre Adamus ng Encantadia.


r/EncantadiaGMA Jun 12 '26

Fan Theories [SPOILERS] Your Thoughts???

Post image
51 Upvotes

r/EncantadiaGMA Jun 07 '26

Questions BAKIT hindi pwede malaman ng mga tao tungkol sa Encantadia?

Post image
88 Upvotes

Let's say not only the Philippines discovered the realm of Encantadia, but also 1st world countries, or basically the whole population on this planet. What are they so afraid of if humanity discovers it? If y'all are thinking that the whole of humanity would try to colonise because of the abundance of resources and real magical non-human beings that Encantadia has, they have the actual power to completely manipulate and protect their kingdoms.

Remember when Danaya manipulated the smartphones of the women she saved? Sang'gres creating a force shield around them? They also have powerful brilyantes, magical weapons, abilities, and could even learn how to generate powers on their own. Ano ba ang kinakatakot nila kung halos walang laban ang tech sa actual powers sakaling may pagnanasa mga tao?

Kung mga bathala, nagagawa nilang labanan, mga tao with modern tech and nuclear bombs pa kaya?


r/EncantadiaGMA May 30 '26

Show Discussion [SPOILERS] ECS: Book 1 or Book 2?

Thumbnail
gallery
43 Upvotes

Since natapos na ang Encantadia Chronicles Sang'gre. Gusto ko lang tanungin kayo guys na sumubaybay at tyinagang tapusin ang series na ito.

Ano sa tingin nyo ang mas magandang naging plot line ng Sanggre?

Book 1 or Book 2?

Balak ko na din kasi mag binge at mag rewatch ng ECS lalo na yung sa Book 1. Since upon watching nung currently airing pa sya. Na subaybayan ko ang kuwento ng ECS Book 1.

Aamimin ko despites its character flaw, inconcistencies and illogical lore breaking conviniences. I really liked Book 1 to be honest and kahit ang dragging ng ibang part sa arc.

May mga moments parin ako na na-enjoy naman.

Kagaya nung pagiging Tyrant ni Mitena and her being betrayed, Samina and Naia, Devas Arc and 'yung conlusion. May mga highlights naman sya na naging favourite ko.

Tignan natin if my oppinions will be swayed sa Book 2 if na rewatch ko na sya. Since sya yung time na paputol-putol na yung panonood ko. Since na busy rin kasi sa personal life.

From what I've seen nasayang yung character ni Mitena, Mundo ng mga Tao, again. Pirena dying for the ntnh time etc etc.

Pero may mga episodes din na nagustuhan ko at cannot say na okay ba o hindi sya as a whole kasi ndi ko rin naman napanood ng buo.

Gusto ko lang din malaman thoughts nyo kung ano naging preffer nyo na Book at mga story arcs within those books.

Lalo na sa mga nagustuhan ang Book 2!!


r/EncantadiaGMA May 28 '26

Random Thoughts Unpopular opinion Emre is stronger than haliya

Thumbnail
gallery
71 Upvotes

We're gonna use the 2016 Emre not the new one that was butchered by the story makers My reason for saying this is because he's a more experienced fighter than haliya that's it he has the power and skills to win against her


r/EncantadiaGMA May 25 '26

Commentary Halata nga, Terra

Post image
1 Upvotes

Kaya pala bihira magpalit ng damit sa Encantadia


r/EncantadiaGMA May 24 '26

Commentary Sa true nhak

Post image
692 Upvotes

r/EncantadiaGMA May 23 '26

Random Thoughts Thoughts ninyo?

Post image
43 Upvotes

r/EncantadiaGMA May 19 '26

Questions Is Nanay Mona right about this? ACTUAL Powers don't stand a chance against Political Power

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

84 Upvotes

Since napapanahon ang corruption and abuse of power in our country, I just wanna ask you guys for your opinion about this? If someone was born with innate powers (not power from wealth) like ivictus/teleportation, powerblasts, force-shields, spell casting, energy manipulation, disaster creation, etc., would that be enough to eliminate the abuse of political power in our country, including the military forces surrounding them?