Please use translation Im writing this with my language.
Fresh graduate ako and currently looking for a job. Gusto ko sana mag-apply sa BPO or VA because I need a stable income as soon as possible. Ang concern ko lang is di talaga ako magaling verbally mag English and madalas akong ma-mental block like literal na wala nalang masasabi bigla.
Sobrang pressured na ako ngayon kasi gusto ko na talagang makahanap ng trabaho. I really want to help my family talaga kaya super pressure and stress talaga ako to the point na dina ako nakakatulog sa gabi kakaisip anong next mangyayari sakin, yung father ko kasi nagda-dialysis, kaya ang dami naming gastusin sa gamot at treatment nya kaya want na want ko na talaga sana makahelp sakanila. Sa ngayon kasi ate ko lang ang may work now pero maliit lang din ang sahod niya.
So dahil nga dun gusto ko talagang mag-apply sa BPO or maging Virtual Assistant dahil mas okay ang potential salary. Ang problema ko lang talaga is hindi ako confident sa pagsasalita ko ng English like literal. Kapag interview na o kailangan magsalita, sobrang kinakabahan ako at parang nabablangko talaga ako.
Gustong-gusto ko nang mag-apply, pero pakiramdam ko hindi pa talaga ako ready and baka magsayang lang ako ng pamasahe, oras, at opportunity kung babagsak lang din ako dahil sa English communication ko. I really and willing to learn english muna talagaa and mag reready lang muna din ako kahit this july and by 1st week of August kahit anong mangyari mag aapply na talaga ako.
Previous attempts:
Nanonood ako ng English videos at nagpa-practice mag-isa, pero nahihirapan pa rin akong magsalita nang spontaneous. Gusto ko sanang malaman kung ano ang pinaka-effective na ginawa ninyo para mabilis ma-improve ang English communication at storytelling skills, especially for BPO or VA interviews.
Any advice or personal experiences would really help. Thank you so much!